Anti-red tape paiigtingin
Tiniyak ni Public Works Secretary Hermogenes Ebdane na paiigtingin nila ang kanilang kampanya laban sa red tape at mga fixers sa kagawaran upang mas maging maayos ang mga infrastructure projects ng pamahalaan, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Arroyo.
Ayon kay Ebdane, sa tulong ng Office of the Ombudsman, sinimulan na ng DPWH ang kanilang information campaign sa ilang mga tanggapan kaugnay ng Implementing Rules and Regulations of the Anti-Red Tape Act of 2007.
Isang Anti-Red Tape Seminar Workshop din ang isinagawa ni DPWH Resident Ombudsman Atty. Roline Ginez-Jabalde at Atty. Katherine Altubar upang tuluyan nang matanggal at mawalis na ang mga fixers.
Iginiit ni Ebdane na patuloy nilang pinaiiral ang transparency upang mas maging maayos ang feedback ng publiko. Hinihikayat din niya ang mga ito na agad itext sa Txt 2920 ang kanilang mga reklamo at tanong upang agad na maaksiyunan ng kanyang tanggapan. (Doris Franche)
- Latest
- Trending