Zubiri sasabit sa fertilizer scam

Sinabi kahapon ni Senate Minority Leader Aqui­lino Pimentel Jr. na dapat managot sa batas ang mga dating kongresista noong 13th Congress katu­lad ni Senador Juan Miguel Zubiri na tumanggap ng pondo mula sa P728 mil­yon fertilizer fund pero gi­namit sa ibang paraan at hindi sa pagbili ng abono.

Ayon kay Pimentel, maituturing na misuse or malversation of public funds ang ginawa ni Zubiri na tumanggap ng P5 mil­yon mula sa pondo ng fertilizer pero ginamit sa pag­papagawa ng tulay.

Sinabi ni Pimentel na maliwanag naman na ang pera ng Fertlizer ay para pataba ng mga pananim at hindi pampagawa ng tulay o maaring gamitin saan mang bagay.

Hinamon ni Pimentel si Zubiri na ipaliwanag kung paano niya natanggap ang naturang halaga. (Malou Escudero)

Show comments