Patawag ng Russia iisnabin ni Mrs. Verzosa
Walang plano si Mrs Cynthia Verzosa, asawa ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa na pagbigyan ang kahilingan ng Russian authorities para magbalik ito sa nasabing bansa kasama ang isa pang general kaugnay ng Euro scandal sa Moscow.
Sinabi ni Supt. Benjamin de los Santos, senior legal officer ng PNP na hindi na kailangan pang magtungo muli sa Russia ni Mrs. Verzosa bukod sa magastos ito ay maari naman nitong linawin ang isyu sa pamamagitan ng sulat o kaya ay sa fax.
Nilinaw rin ni de los Santos na hindi wanted kundi itinuturing na witness si Gng. Verzosa sa Euro scandal. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending