^

Bansa

Fil-Ams may tsansang mag-US president

- Nina Rudy Andal, Malou Escudero At Butch Quejada -

Naniniwala ang Mala­cañang na ang pagwa­wagi ni Sen. Barack Obama bilang President-Elect ng Estados Unidos ay magbi­ bigay ng pag-asa sa mga Fil-Am na pulitiko at iba pang minority sa US para matu­pad ang kanilang pa­ngarap na magiging susu­nod ding pangulo ng Ame­rika.

Sinabi nina Deputy Spokespersons Lorelei Fajardo at Anthony Go­lez, nagbukas ng pag-asa sa mga Fil-Am sa US ang pagwawagi ni African-Ame­rican Sen. Oba­ma ng De­mo­cratic Party laban kay Republican presidential candidate Sen. John McCain.

Ayon kay Usec. Fa­jardo, maraming mga Fil-Ams ang aktibo sa US government at mga halal na kongresista at alkalde sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos.

“Anything is possible, it is the land of free. Baka magkaroon na din ng isang Fil-Am na magiging pa­ngulo ng US someday,” wika pa ni Fajardo.

Sa panig naman ni Usec. Golez, hindi la­mang ang mga Fil-Ams kundi ang iba pang minority sa US ang makiki­nabang sa pag­kapanalo ni Obama sa nakalipas na US presidential elections.

Naniniwala naman ang ilang senador na pabor sa mga Pinoy ang pagka-panalo ni Barack Obama bilang ika-44 na presidente ng Amerika.

Ayon kay Senator Ed­gardo Angara, malaki ang simpatiya ni Obama sa mga bansa sa Asia dahil dito naunang nani­rahan ang kaniyang pa­milya.

Marami umanong minorities na katulad ng mga Pinoy ang nakasala­muha ni Obama kaya alam niya ang sitwasyon ng mga ito.

Pero aminado sina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel J., at Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na malayo pang mangyari ang pag­ka­karoon ng Fil-Am president dahil kahit sa Amerika ay watak-watak ang mga Pinoy. 

Samantala, agad nag­pa­rating ng pagbati si Pa­ngulong Arroyo kay Obama sa pagsasabing ang kan­yang panalo ay pagmu­mulan ng “pag-asa at ins­pirasyon”, hindi lang ng mga Amerikano kundi sa lahat ng tao sa mundo.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, sinubukan ni Pangulong Arroyo na tawagan sa tele­pono si Obama upang personal nitong batiin ang ika-44 na Pangulo ng US suba­lit hindi niya ito naka­usap.

Wika ni Sec. Ermita, hindi man nakausap ng per­sonal ni PGMA si Oba­ma ay nakarehistro naman ang tawag nito sa US State Department.

Kasabay nito, pinuri ni Press Secretary Jesus Dureza ang Republican candidate na si John McCain at ang mga Ameri­kano sa pagpapakita ng malakas at matatag na demokratikong proseso ng halalan, sa gitna ng krisis na kanilang nararanasan.

Sa panalong ito ni Oba­ma, sinabi ni Dureza na uma­asa ang Arroyo administration sa mas matinding kooperasyon sa pagitan ng Estados Uni­ dos at Pilipinas dahil ang pamahalaan at Democratic Party, kung saan kabilang si Obama, ay matibay na magkaalyado.

Si Obama ang naging unang African-American president ng US matapos talunin si McCain sa pama­ magitan ng krusyal na panalo sa Ohio, Florida, Virginia at Iowa.

AMERIKA

ANTHONY GO

AYON

BARACK OBAMA

ESTADOS UNIDOS

FIL-AM

OBAMA

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with