^

Bansa

11-anyos na sasabit sa iligal na droga tutuluyan

-

Layon ngayon ng Dangerous Drugs Board (DDB) na rebisahin ang Juvenile Act Law na nilikha ng 13th Congress upang mapana­got sa batas maging mga bata na nagkakaedad 11-an­yos pataas kung mapa­patunayang nagkasala ito sa iligal na droga.

Ito ang sinabi ni DDB Chairman Vicente “Tito” Sotto sa harap ng 200 kinatawan ng 12 bansa sa Asya sa gi­naganap na 3rd Asian Recovery Symposium sa Ta­gaytay City. 

Sinabi ni Sotto na nais nilang sundin ang “11 years old threshold” na itinakda mismo ng UNICEF (United Nations Children’s Fund).

Nakatakdang isusog ni Sotto sa Kongreso at Se­nado ang pagpapasa ng panukalang batas upang mabago ang Juvenile Act Law na nagsasabi na hindi maaaring ma­parusahan ng batas ang mga kabataang may edad 18-anyos pababa sa anumang uri ng krimen na ginawa nito.

Naalarma ang DDB at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagdami ng mga menor-de-edad na gumagamit ng iligal na droga at mas masama pa ang pag­gamit ng mga sindikato sa mga ito para magtulak o magdeliber ng iligal na droga dahil sa alam ng mga ito na hindi naman masasam­pahan ng kaso.

Ipinaliwanag ni Sotto na marami sa mga drug users ang labas-pasok sa mga rehabilitation centers na hindi naman nata­tanggal ang adiksyon sa droga dahil sa hindi akma ang “treatment” na ibi­nibigay dito.  (Danilo Garcia)

ASIAN RECOVERY SYMPOSIUM

CHAIRMAN VICENTE

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS BOARD

JUVENILE ACT LAW

SHY

SOTTO

UNITED NATIONS CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with