Pinas pang-5 sa maraming nagugutom

Apat sa 10 Pinoy sa ngayon ang may kaka­ ram­pot lamang na maka­kain o kaya’y wala ng ma­ihain pa sa kanilang mga hapag-kainan dahilan upang ma­itala ang Pilipi­nas bilang ika-lima sa mga bansang maraming nagu­gutom.

Sa survey ng Gallup International-Voice of the People 2008 sa ginanap na World Food Day ka­maka­ilan, lumalabas na 40% sa mga Pinoy ang nagsasa­bing salat sila sa makakain at minsan ay wala ng ma­ihain pa sa kanilang mga lamesa sa loob ng naka­lipas na 12 buwan.

Lumalabas din umano sa survey na nagtala ng pinaka-mataas na hunger rate ang Metro Manila kung saan may 500,000 pamilya ang walang sapat na makakain dito sa araw-araw.

Bunga nito, kahanay na ngayon ng Pilinas ang mga African at Asian nations kung ang bilang ng mga nagugutom ang pag-uusa­pan.

Nangunguna sa may pinaka-mataas na antas ng mga nagugutom ang Ca­me­roon 55 %, Pakistan 53%, Nigeria 48%, Peru 42 % at ang Pilipinas, 40%.

Kabilang din sa mga may mataas na hunger rate ang mga Latin American countries gaya ng Bolivia at Guatemala na pawang nagtala ng 35%, Ghana 32%, Mexico at Russia 23%.

Ang Africa naman sa regional level o continent level ang may pinakama­taas na bilang ng mga naguguton na sinundan ng Asia, 20%, Eastern at Central Europe 19%, habang pangatlo naman ang Latin America na may 14% at pang-apat ang North Ame­rica,13%.

Ang may pinaka-maba­bang hunger rate ay ang Wes­tern Europe na may 7% lamang. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments