Paglilitis kay Joc-Joc hingi

Sinabi kahapon ni House of Representatives Speaker Prospero Nograles Jr. na dapat lutasin sa korte ang kaso ni dating Agriculture Under­secretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante na isina­sangkot sa P728 milyong fertilizer fund scam.

Sinabi pa ng Speaker na ang korte ang mas tamang forum at siya lamang makakapaglinaw sa naturang isyu at hindi ang Senado o House na puwede lang magbigay ng rekomendasyon sa Ombudsman o sa Department of Justice para mausig ang mga nasasangkot kung may sapat na ebidensya. (Butch Quejada)

Show comments