Paglilitis kay Joc-Joc hingi
November 4, 2008 | 12:00am
Sinabi kahapon ni House of Representatives Speaker Prospero Nograles Jr. na dapat lutasin sa korte ang kaso ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante na isinasangkot sa P728 milyong fertilizer fund scam.
Sinabi pa ng Speaker na ang korte ang mas tamang forum at siya lamang makakapaglinaw sa naturang isyu at hindi ang Senado o House na puwede lang magbigay ng rekomendasyon sa Ombudsman o sa Department of Justice para mausig ang mga nasasangkot kung may sapat na ebidensya. (Butch Quejada)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest