Pinakikilos kahapon ni Senate Majority Leader Kiko Pangilinan ang Malacanang at Department of Foreign Affairs matapos magdesisyon ang Taiwanese court na bigyan pa ng pagkakataon ang overseas Filipino worker na si Cecilia Alcaraz na iapela ang death sentence sa kanya.
Ayon kay Pangilinan, dapat madaliin ng gobyerno at ng DFA ang pagkilos upang maisalba ang buhay ni Alcaraz.
Dapat din aniyang mag-isip ng pangmatagalang programa ang gobyerno upang hindi na umalis ng bansa ang mga Pinoy.
Marami-rami na rin aniyang Pilipino ang nagbuwis ng buhay sa ibang bansa katulad nina Flor Contemplacion noong 1995, apat na OFWs sa Saudi Arabia noong 2005, Reynaldo Cortez noong 2007 at Jenifer Bedoya nito lang October
Umalis si Alcaraz, 47, para magtrabaho sa Taiwan bilang English teacher noong 2005.
Inaresto si Alcaraz dahil sa umano’y pagpatay at pagnanakaw sa isang Taiwanese at nahatulan ng kamatayan.
Ayon kay Pangilinan, dapat nang tigilan ng gobyerno ang panghihikayat sa mga Pilipino na lumabas at magtrabaho sa ibang bansa sa halip na ibuhos ang talento dito sa Pilipinas. (Malou Escudero)