^

Bansa

Visa ng 310 foreign investors kinansela ng BI

-

Nasa 310 investors sa bansa ang kinansela ang visa at isinailalaim sa hold departure order (HDO) matapos abandonahin uma­no ang kanilang obli­gas­yon sa Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa ipinatutupad na Special Investors Resident VISA (SIRV).

Kinumpirma ni Immigration Commissioner Marce­lino Libanan na ang mga negosyante at ang kanilang 404 na kamag-anak ay ka­bilang sa kinan­sela ang visa.

Ayon kay Libanan, ang aksiyon ay bunga ng kahi­lingan ni Executive Director Lucita Reyes ng Board of Investments (BOI), na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Immigration sa layon na hindi nito matakasan ang ka­ukulang multa na itina­takda ng batas sa pag-abandona sa kanilang mga negosyo.

Hindi umano nag­sumite ang mga dayuhan ng kanilang annual reportorial requirements sa kabila ng mga paulit-ulit na notice.

Aniya, nabigo ang mga dayuhang negos­yante, na karamihan ay galing sa bansang Chi­ na, na magsu­mite ng ba­gong ulat sa BOI kaug­nay sa kanilang ne­gosyo sa bansa.

“It appears that they have pulled out their investments as they failed to submit an updated report of their investments to the BOI as required by law creating the SIRV,” wika ni Libanan.

Aniya, ang SIRV ay special visa sa mga da­yu­hang negosyante upang sila ay makapamalagi sa bansa hangga’t may pina­tatakbo pa silang ne­gosyo na may capital na S75,000.

Nabatid na sa kabu­uang 321 na inisyuhan ng SIRV, 11 lamang ang tu­ma­lima. (Ludy Bermudo)

ANIYA

BOARD OF INVESTMENTS

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

EXECUTIVE DIRECTOR LUCITA REYES

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCE

LIBANAN

LUDY BERMUDO

SHY

SPECIAL INVESTORS RESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with