Probe sa sunog sa armory tinaningan

Binigyan ng palugit na 48 oras o dalawang araw ng liderato ng Armed Forces of the Philippines ang mga opisyal ng Army Support Command upang tapu­sin ang imbesti­gas­yon sa nasunog na armory ng militar ni­tong Biyer­nes sa loob ng Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sin­suat, Shariff Kabun­suan.

Ayon kay Army’s 6th ID Spokesman Col. Julieto Anto, si Major Gen. Johnny Corcha, Chief ng Army Support Command, ang mag­su­superbisa sa nasa­bing imbestigasyon.

Inihayag naman ng opisyal na hindi apek­tado ang kanilang open­siba laban sa grupo ni Moro Islamic Liberation Front 105th Base Command Commander  Ame­ril Um­bra Kato.

Pinawi rin ng mga opisyal ang teorya ng sabotahe sa pagkasu­nog ng ammunitions dump ang dahilan. (Joy Cantos)

Show comments