NFA rice sa Access Card ibebenta

Umpisa sa Disyem­bre, limitado na la­mang ang pagbebenta ng abot kayang bigas ng National Food Authority para sa mga naisyuhan ng Family Access Card holders sa Metro Manila at sa mga Rice Allocation Ledger naman para sa mga probinsya.

Ito ang inianunsyo kahapon ni NFA Administrator Jessup Na­varro kung saan ang FACs at RALs ay ka­ilangang pagtibayin muna ng Department of Social Welfare and Development para ti­yakin na ang abot ka­yang bigas na subsidy ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay makakarating sa ha­pag kainan ng masang Pilipino.

Ang NFA rice ayon kay Navarro ay mabi­bili sa halagang P18.25 ba­ wat kilo sa Tindahan Na­tin rice outlets sa buong bansa. (Joy Cantos)

Show comments