^

Bansa

Sedisyon vs mga Obispo

-

Posibleng makasuhan ng sedition ng Department of Justice (DOJ) sina Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Angel Lagdameo, Archbishop Oscar Cruz at ilan pang opisyal nito dahil sa umano’y paghihikayat nito sa pagbabago ng liderato ng gobyerno.

Ayon Justice Secretary Raul Gonzalez, su­mobra sina Lagdameo, Cruz, Bataan Bishop Socrates Villegas, Mas­bate Bishop Joel Baylon, at Bishop Emeritus Jose Sora sa kanilang political statement.

Dahil dito kaya hina­mon ng kalihim ang mga opisyal ng CBCP na tu­makbo bilang Pangulo sa susunod na eleksyon.

“One of them should run for president, priest becomes governor why not Archbishops run for President,” pahayag ni Gonzalez patungkol na­man kay Pampanga Gov. Ed Panlilio na ini­ wan ang pagkapari para tumakbo sa lokal na elek­syon.

NIlinaw ni Gonzalez na ang simbahan ay da­pat faith at morals ang siyang pinag-uusapan at hindi nagbibigay ng political statement.

Isasangguni din uma­no nila sa Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas (KBP) kung na­ging seditious ang pa­hayag ng simbahan.

Iginiit pa ni Gonzalez na hindi ito naniniwalang boses ng CBCP ang na­ging pahayag ng mga Obispo na humarap sa media bagkus ay personal lamang na opinyon ito nina Lagdameo.

Hindi rin umano wasto na isisi ng CBCP sa ad­ministrasyong Arroyo ang graft and corruption dahil panahon pa ni dating Pangulong Elpidio Quiri­no nagsimula ang korup­syon. (Gemma Amargo-Garcia)

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

AYON JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

BATAAN BISHOP SOCRATES VILLEGAS

BISHOP EMERITUS JOSE SORA

BISHOP JOEL BAYLON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF JUSTICE

ED PANLILIO

GONZALEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with