Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakumpuni na nito ang mga potholes sa mga pangunahing kalsada na nasira dahil sa nakalipas na mga bagyo sa Metro Manila.
Sa ipinadalang ulat kay DPWH Secretary Hermogenes Ebdane Jr. ni DPWH-NCR director Robert Lala, nitong nakaraang linggo lamang ay naiayos na ng kanilang maintenance crew ang pag-aaspalto sa natukoy na potholes sa 147 road sections sa Metro Manila.
Kabilang sa mga kinumpuni ng DPWH-NCR ay ang mga pangunahing kalsada sa Roxas Blvd., Quezon Ave., Taft Ave., Osmena Ave., Bonifacio Drive at Quirino Highway.
Ayon kay Lala, inatasan siya ni Sec. Ebdane na gawing prayoridad din ang paglalagay ng drainage structures upang tumagal ang mga kongkretong kalsada na agad naman niyang iniutos sa mga district engienees na rebyuhin ang mga road improvement works sa Metro Manila at isama ang paglalagay ng mga drainage facilities. (Rudy Andal)