Bagong oil rollback ikinasa

Dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pami­lihan, nagpahayag ang isang kompanya ng langis na magkaka­roon pa ng panibagong rollback sa presyo nito sa mga susunod na araw.

Ayon kay Shell Pre­sident at Chairman Edgar Chua, posibleng ipatupad ang paniba­gong rollback ng kani­lang kompanya sa da­rating na Huwebes o Biyernes.

Dahil sa pahayag ng Shell, inaasahan na susunod din na mag­sa­sagawa ng rollback ang iba pang kom­panya ng langis.

Naunang hiniling kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga oil companies na magbaba ng kanilang mga presyo.

 Pinasalamatan ni Pangulong Arroyo sa kanyang mensahe sa TODA-Bigay program ng Department of Energy si Chua sa susu­nod pang mga rollback na gagawin ng nasa­bing oil company. (Edwin Balasa at Rudy Andal)

Show comments