Sa Oktubre 27-31, 2008 na ang school-level search para sa 3rd Vice President Noli de Castro Academic and Exemplary Leadership Awards.
Ayon kayi Atty. Jesse H. T. Andres, chairman ng search panel, ang mga in teresadong high school students para sa college scholarship sa ilalim ng programa ay maaaring hilingin sa kanilang mga high school principals na isumite ang kanilang nominasyon bago sumapit ang Oktubre 24.
Ang mga mananalo sa school level ay maaari namang i-nominate para sa division level search hanggang sa Nobyembre 7.
Ayon kay Andres, na siya ring chief of staff ng bise presidente, ang mga qualifiers naman sa division level ay ii-screen at ilalahok sa national finals.
Ang VP de Castro awards, na may temang Edukasyon: Sagot sa Hamon ng Kahirapan, ay magkakaloob ng college scholarships sa mga karapat-dapat na public high school students na nag-e-excel sa academics at nagpakita ng exemplary leadership sa school at community sa kabila ng mga pinagdaraanang hirap sa buhay.
Mag-inqure sa Office of the Vice President, 8327562 o bisitahin ang www.ovp. gov.ph, www.deped.gov.ph, at www.jobsDB.com.