Tulong sa Simbahan handing isoli ng obispo dahil sa RH bill

Nanindigan si Legazpi Bishop Lucilo Quiambao na handa silang isoli ang anumang tulong pinan­siyal na ibinibigay sa Simbahan kung hihilingin sa kanila na magbago ng posisyon sa usapin ng panukalang Reproductive Health Bill na isinusulong sa Kongreo.

Ito’y matapos ipanga­landakan umano ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na ang kaniyang hi­nahawakang appropriation committee ay tumu­tulong sa simbahan.

Aniya, hindi maaring ikompromiso nila ang paninindigan at panini­wala sa masamang idu­dulot ng RH bill sa su­portang ibinibigay ng simbahan.

Kaugnay ng RH bill, iginiit ni Bishop Teodoro Bacani na hindi pa naman huli para mabago ang pagtingin ng publiko sa RH bill kaugnay sa resulta ng survey na 68 por­syento ang pabor na ma­isabatas ang nasabing panukala.

Kinakailangan lamang umano na maintindihan at mabasa ng publiko ang nilalaman ng nasabing panukala upang makita na ang contraception na nais ipalaganap ay ma­ituturing na aborsiyon.

Maaring ang mga na-survey umano ay naka­rinig lamang sa mga pang­hihimok ng ilan na kaila­ ngan ang pagpasa ng RH bill. (Ludy Bermudo)

Show comments