^

Bansa

Wanted na Fil-Am timbog ng BI

-

Nalambat ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Filipino-American fugitive na wanted sa United States dahil sa tinatawag na “conspiracy crimes”.

Bitbit ang mission order na inilabas ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan, naaresto ng BI agents si Rommel Isidera Schroer sa kanyang pinag­tatrabahuan sa Pasay Road, Makati City noong Biyernes.

Sinabi ni Libanan na si Schroer ay wanted batay sa arrest warrant na inila­bas ng US district court sa Arizona kung saan siya ay kinasuhan ng “conspiracy to commit bribery and extortion”, isang pag­labag na may parusang limang taong pagkaka­bilanggo at multang US$250,000.

Ayon pa kay Libanan, si Schroer ay nasa wanted list ng US authorities mula pa noong Oct. 18, 2006 nang ilabas ng Arizona court ang arrest warrant laban dito.

Iniutos ni Libanan ang pagdampot kay Schroer batay na rin sa kahilingan ng US Embassy, na siyang nag­paabot sa BI na nagtatago sa Pilipinas ang pugante.

Sa ulat ng US Embassy, si Schroer ay dating US Air Force sergeant na nakipagsabwatan sa ilang military, public officials at civilians upang mangotong mula sa drug traffickers.

Ngunit ang mga drug trafficker na kinikilan ni Schroer ay mga undercover agents pala ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

“The fugitive will be deported for being an undocumented and overstaying alien as his passport was already revoked by the US government,” wika ni Li­banan. (Gemma Amargo-Garcia/Ellen Fernando/Butch Quejada)

AIR FORCE

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

ELLEN FERNANDO

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

GEMMA AMARGO-GARCIA

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

LIBANAN

MAKATI CITY

PASAY ROAD

SCHROER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with