Okt. 17 idineklarang 'Black Friday' ng OFWs
Idineklara bilang “Black Friday” ng isang samahan ng OFWs ang araw ng Biyernes, Oktubre 17, 2008 upang ipakita umano ang kanilang protesta hinggil sa anila’y naging “kapabayaan” at pagkabigo ng pamahalaan na mailigtas sa bitayan ang buhay ng Pinoy worker na si Jenifer Bidoya.
“Members of Migrante in Saudi Arabia and other Migrante chapters in the Middle East set October 17 a “Black” Friday by wearing black t-shirts and ribbon to demonstrate their disgust against the criminally negligible Arroyo regime that have acted too late with too little effort to save the life of OFW Jenifer Bidoya from execution,” ani John Leonard Monterona, coordinator ng Migrante-Middle East regional sa isang kalatas.
Matatandaang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Bidoya ay binitay sa Jeddah, Saudi Arabia kamakalawa ng hapon dahil sa salang pagpatay sa isang Saudi guard.
Iginiit din ng DFA na ginawa naman nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mailigtas si Bidoya ngunit mismong ang pamilya umano ng biktima nito ang pursigido na mabitay ang Pinoy worker.
“The Arroyo administration through the DFA and Philippine Consulate in Jeddah failed to reach out the victim’s family by asking the help and assistance of known Muslim leaders with a hope that the victim’s family would be convinced to forgive OFW Jenifer Bidoya and accept the offered “blood money”, ani Monterona.
Lumilitaw din umano na masyadong kumpiyansa ang pamahalaan matapos na magpadala ng liham sa Saudi King upang humingi ng clemency, at hindi na nito nabigyan ng atensyon ang pamilya ng biktima upang humingi ng patawad. (Mer Layson)
- Latest
- Trending