^

Bansa

Teehankee ibalik sa kulungan!

- Gemma Amargo-Garcia -

Hiniling kahapon sa Korte Suprema ng isa sa mga pribadong abogado sa Hultman-Chapman double murder case na bawiin ang executive clemency na ipinagkaloob ni Pangulong Arroyo kay convicted killer Claudio Tee­hankee Jr. 

Base sa 84-pahinang petition ni Atty. Ernesto Francisco sa Korte, hiniling nito na magpalabas ng preliminary mandatory injuction na nag-aatas sa mga opisyal ng gobyerno na nasa likod ng ipinag­kaloob na pardom na bawiin ito kay Teehankee.

Iginiit ni Francisco na labag sa Konstitusyon at sa umiiral na batas ang naturang hakbang ng Pangulo dahil sa hindi pa umano umaabot sa kala­hati ng kanyang senten­siya si Teehankee kaya hindi pa siya dapat pina­labas ng Bilibid.

Nabatid sa abogado na si Teehankee na convicted sa dalawang bilang ng pagpatay at isang bilang ng bigong pagpatay ay pinatawan ng mula 36 taon hanggang 69 taong pagkabilanggo.

Kung kukuwentahin aniya, ay kinakailangang manatili pa ng karagda­gang apat na taon sa New Bilibid Prisons si Teehankee.

Nanindigan si Francisco na hindi napagsa­bihan ng DOJ ang mga partido sa kaso na sina Mr. and Mrs. Anders and Vivian Hultman, pamilya ni Roland John Chapman at Jussi Olavi Leino.

Ayon pa kay Francisco, hindi pa rin nababayaran ng pamilya Teehankee ang kabuuang P8-M na danyos na dapat ay ibayad ng pamilya Teehankee sa pamilya ng mga biktima.

Kabilang sa mga respondent sa kaso ay sina Justice Secretary Raul Gonzalez, Executive Secretary Eduardo Ermita, ang Bureau of Corrections at ang convicted killer na si Teehankee.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

CLAUDIO TEE

ERNESTO FRANCISCO

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

JUSSI OLAVI LEINO

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

MRS. ANDERS AND VIVIAN HULTMAN

NEW BILIBID PRISONS

PANGULONG ARROYO

ROLAND JOHN CHAPMAN

TEEHANKEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with