^

Bansa

Pinoy binitay sa Saudi

- Ni Mer Layson -

Isang Pinoy ang pinu­gutan ng ulo sa Saudi Arabia kahapon matapos na katigan ng Korte Su­prema ng nasabing bansa ang parusang kamatayan na inihatol sa kanya dahil sa salang pagpatay.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA)  Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Esteban Conejos, dakong alas-10 ng umaga ka­ hapon (3:00 ng hapon sa Maynila) nang bitayin si Jenifer Bidoya, alyas Ve­nancio Ladion, sa western city ng Jeddah.

Batay sa ulat na na­tanggap ng DFA mula sa Philippine Consulate General in Jeddah, sinabi ni Co­nejos na si Bidoya ay hinatulan ng parusang kamatayan ng Jeddah Sharia’s Grand Court noong Abril 2007 dahil sa pagpaslang sa isang Saudi national guard.

Sa kabila nang apela ng pamahalaan ng Pili­pinas sa Emir ng Makkah, Governor ng Jeddah, at Minister of Interior, kina­tigan pa rin ng Appellate Court ang naturang hatol, gayundin ng Supreme Judicial Council noong Abril 21, 2008.

Nabatid na lumiham pa si Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo kay King Abdullah ibn Abdu­laziz Al-Saud noong Dis­yembre 6, 2007 at noong Hulyo 7, 2008 upang humi­ling na bigyan nito ng clemency si Bidoya.

Gayunman, mahigpit umano ang pagtutol ng pa­milya ng biktima ni Bidoya at iginiit ang pagpapatupad ng parusang kamatayan sa Pinoy worker.

“Under Sharia’h Law, the crime of murder results in a public and private liability. While the King of Saudi Arabia can forgive the public rights aspect of the case, he cannot extend clemency if the victim’s family insists on their right of quisas as they did on this case,” ayon pa kay Co­nejos,  sa isang kalatas.

Ayon kay Conejos, naipabatid na nila sa pamilya Bidoya ang insi­dente at nakikipag-ugna­yan na rin sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang ma­pagkalooban ng tulong ang mga ito.

Sa kasalukuyan ay ilang Pinoy pa, kabilang ang tatlong lalaki na pu­matay sa kanilang kapwa mga Pinoy dahil sa sugal, ang nakahanay sa death row sa iba’t ibang bahagi ng Saudi Arabia. Pawang nakaapela naman umano ang kaso ng mga ito.

Nabatid na ang Pinoy na pinakahuling binitay sa Saudi ay si Reynaldo Cortez, 41, noong Hunyo 2007 sa Riyadh matapos na pas­langin ang isang Pakistani na taxi driver na umano’y nag­tangkang uma­­buso sa kanya ng sekswal.

ABRIL

AFFAIRS ESTEBAN CONEJOS

APPELLATE COURT

AYON

BIDOYA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JEDDAH

PINOY

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with