Bukod sa kemikal na melamine, nakatakda na ring suriin ng National Meat Inspection Services ang mga de latang pagkain galing China upang suriin ang natanggap nilang ulat na umano’y kontaminado na rin ang mga ito ng mataas na antas ng nakalalasong kemikal na cadmium.
Ayon kay NMIS executive Dir. Jane Bacayo, bagama’t hindi pa naide-detalye sa kanya ang umano’y kontaminasyon ng cadmium sa mga de lata, agad itong iimbestigahan ng kanyang ahensya.
Nabatid na natuklasan ang pagiging kontaminado ng ilang de lata galing China sa pagsusuri ng Qualibet Testing Services. (Rose Tamayo-Tesoro at Angie dela Cruz)