^

Bansa

Special treatment sa Bilibid kapwa preso din ang nagbibigay

-

Tiniyak ni National Bureau of Corection Chaplain Msgr. Bobby Olaguer na hindi sila nagbibigay ng spe­cial treatment sa mga preso partikular sa mga mayaya­man at pro­ mi­nenteng convicted prisoners.

Ang paniniyak ay gi­nawa ni Olaguer matapos sabihin ni Commission on Human Rights Commissioner Leila de Lima na labag sa karapatang pan­tao ang pagbibigay ng special treatment sa mga bilanggo.

Ayon kay Olaguer, hindi sila ang nag­bi­bigay ng special treatment sa mga preso kundi mga kapwa preso rin mismo dahil nanganga­ilagan din ang ilang mga preso ng kanilang pagka­kakitaan.

“Halimbawa kung ma­yaman ako oh di may taga-igib ako, may taga-luto ako, may tagaayos ng kwarto ko,” ani Olaguer sa panayam ng Radio Veritas.

Nilinaw din ni Olaguer ang pagtatayo ng kwarto at mga building tulad ng tennis court ni dating Congressman Romeo Jalosjos.

Aniya, mismong si Jalosjos ang gumastos at nagpatayo ng opisina dahil kongresista pa rin ito matapos manalo sa elek­siyon sa kabila ng kanyang pagkakakulong.

Idinagdag pa ni Ola­guer na wala silang nila­labag na anumang mga karapatang pantao dahil mas napapakina­bangan nila ang kanilang mga sarili sa halip na patulog-tulog lamang sa buong mag­hapon.

“Malalabag lang yan kung inaalipin na ng bilanggo ang kanyang kapwa bilanggo, pero wala akong nakitang ganun, kasi yung mga bilanggo, on their own nagpapaalipin sila pero di naman ganun kaalipin, sumuweldo na­man sila, ano ba naman ang maglaba, magluto, pero may bayad so di bumababa yung dignity nila kasi nagiging source of income pa nila”, dagdag pa ni Olaguer. (Doris Franche)

ANIYA

AYON

BOBBY OLAGUER

CONGRESSMAN ROMEO JALOSJOS

DORIS FRANCHE

OLAGUER

RADIO VERITAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with