^

Bansa

De lata mula China sinusuri na

-

Sinimulan na ng National Meet Inspection Service (NMIS) ang pag­ pa­pasuri ng mga canned meat products na mula China na nasa pamilihan bunga na rin ng posibleng kontami­nasyon nito sa mela­mine.   

Ayon kay Atty. Jane Bacayo, officer-in-charge ng NMIS, ilang mga piba­dong laboratoryo ang nag­sasagawa na ng pagsu­suri sa mga  pro­duktong luncheon meat ng Shanghai Food Products na Ma-ling at Cofco Food Ltd., upang mala­man kung positibo ito sa kemikal na melamine.

Inaasahang mailala­bas naman ang resulta ng pagsusuri sa susunod na linggo.

Bukod sa dalawang brand ng luncheon meat na may importation  do­cuments, susuriin na rin ng private laboratory ang mga walang label na meat products galing China na nasa pamilihan.

Inamin ni Bacayo na walang sapat na pasili­dad sa pagsusuri ng melamine ang NMIS kaya ipinasya na lamang nilang dalhin ito sa  mga pribadong laboratory.

Aniya, ang mga pasili­dad ngayon ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) ay okupado ng ginaga­wang lab test sa mga gatas. Tatlo na sa 54 na sinusuri ng BFAD ang nagpositibo sa mela­mine.

Nilinaw din ni Bacayo na ang resulta ng private lab ay hindi na nanga­nga­­ilangan pa ng BFAD validation dahil kinikilala na­man ng NMIS ang mga testing centers na apru­bado ni Agriculture Secretary Arthur Yap. 

Samantala, sinabi na­man ni Bacayo na ang luncheon meat galing  China na nagpositibo sa pagsu­suri ng Qualibet laboratory ay iligal na ipinasok sa bansa.

Ngunit kamakalawa ay ipinahayag ni Yap na pu­wede pa ang mga meat products mula sa China at walang dahilan upang i-ban ito. (Doris Franche)

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

BACAYO

COFCO FOOD LTD

DORIS FRANCHE

JANE BACAYO

NATIONAL MEET INSPECTION SERVICE

SHANGHAI FOOD PRODUCTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with