^

Bansa

2,000 pulis nililitis

-

Humigit kumulang sa 2,000 pulis ang isinasaila­ lim sa paglilitis ng Philippine National Police (PNP) ka­ugnay ng pagkakasangkot sa iba’t-ibang mga kaso.

Sinabi ni PNP Program Management Office (PMO) Executive Director Edgardo Acuña, ang nasabing bi­lang ng mga pulis ay naha­harap sa mga kasong nasa kategorya ng grave offense, less grave at minor offense.

Inihayag ni Acuña sa kaso ng grave offense ay naitala sa 10% ang bilang ng mga masusing nililitis. Kabilang dito ay ang non-performance of duty parti­kular sa pagtestigo sa korte, AWOL (Absence Without Official Leave) at ilang mga krimen tulad ng pagpatay.

Binigyang diin ng opis­yal na determinado ang PNP na walisin sa organi­sasyon ang mga nagsisil­bing batik sa imahe ni Mamang Pulis.

Idinagdag pa nito na patuloy ang isinasagawang Transformation Program ng PNP upang gawing maka-Diyos, makatao, makaba­yan at makakalikasan ang bawat opisyal at miyembro ng PNP.

Samantala bilang isang alagad ng batas, ayon pa kay Acuña, ay hindi dapat na masangkot sa illegal na aktibidades ang hanay ng pambansang pulisya at dapat ay tumalima ang mga ito sa sinumpaang tung­kulin bilang isang mapag­ka­katiwalaang alagad ng batas.

Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal na walang maga­ganap na whitewash laban sa mga pulis na nahaharap sa iba’t-ibang asunto. (Joy Cantos)

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

ACU

EXECUTIVE DIRECTOR EDGARDO ACU

JOY CANTOS

MAMANG PULIS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROGRAM MANAGEMENT OFFICE

SHY

TRANSFORMATION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with