P100M imported na sinulid kuha ng PASG

Kinumpiska ng Presi­dential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may P100M halaga ng imported na sinulid at yarns mula sa isang knit­ting and color processing plant sa Bula­can at Valen­zuela.

Sinabi ni PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., nabigong magpa­kita ng kanilang mga im­port permits ang Mayers Knitting Inc. at Colortex Processing factories sa Tindalo St., Sta. Clara, Sta. Maria.

Natuklasan ng PASG na smuggled ang mga ito at nailabas sa Bureau of Customs dahil sa pakiki­pag­sabwatan umano ng ilang BOC per­sonnel.

Sinabi ng isang Andrew Cheung na nagpakilalang kinatawan ng nasabing pabrika na inangkat ang nasabing mga sinulid at yarn ng Red Flower Group Inc., Customs Bonded Ware­­house na kinontrata naman ng Clorotex at Mayers. 

Noong Miyerkoles ay sinalakay din ng PASG ang sister company nito na Oversea Warp Knitting Inc sa Valenzuela City at natuk­lasan na may mga imported na sinulid at yarn din ito na mula sa Malaysia at China.

Sinabi ng kina­tawan nitong si Rose­marie Ma­nusa na bigyan sila ng pa­nahon upang maipa­kita ang mga papeles.

Ani Villar, pa­­tunay lamang na nais ng mga kina­tawan ng mga pabrika na magka­roon sila ng oras upang ma­kontak ang ka­nilang mga kasab­wat sa BOC upang maka­gawa sila ng paraan para sa mga pa­peles nito. (Rudy Andal)

Show comments