^

Bansa

BIR Chief nagbitiw!

-

Isang araw matapos mag-resign bilang Chiel Presidential Legal Adviser si Sergio Apostol, kinum­pirma naman kahapon ng Malacañang na nagbitiw na rin sa kanyang puwesto si Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Lilian Hefti.

Tanging ang usapin sa kanyang kalusugan ang ginawang dahilan ni Hefti sa kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Bago magbitiw si Hefti ilang sektor na ang nag­hi­hinala na posibleng umalis na sa kanyang puwesto ang una bunsod ng kabi­guan ng BIR na maabot ang target collection nito sa pagbubuwis.

Ang pagbibitiw ni Hefti ay agad namang tinanggap ni Pangulong Gloria Arroyo.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita na kung hindi sa hanay ng mga opisyal ng BIR ang papalit kay Hefti, ito ay dating nagta-trabaho sa BIR.

Hindi naman pinanga­lanan ni Ermita ang papalit kay Hefti hanggat hindi pa dumadating sa bansa si Finance Secretary Margarito Teves mula Estados Uni­dos.

Anya, si Teves ang siyang maghahayag kung sino ang kapalit ni Hefti sa puwesto. (Angie dela Cruz/Rudy Andal)

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEL PRESIDENTIAL LEGAL ADVISER

ESTADOS UNI

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FINANCE SECRETARY MARGARITO TEVES

HEFTI

LILIAN HEFTI

PANGULONG GLORIA ARROYO

RUDY ANDAL

SERGIO APOSTOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with