^

Bansa

Customs kakastiguhin sa melamine

-

Nangako ang tang­gapan ng Ombudsman sa Senado na bubusisiin nito ng husto ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa pagpayag ng mga itong makapasok sa bansa ang mga pro­duktong gatas na may melamine.

Ang pangako ay gi­nawa ni Ombudsman Mer­ceditas Gutierrez sa isinagawang budget hearing ng Senado para sa naturang ahensiya.

Sa ginanap na hearing, kinuwestyon ni Se­nador Miriam Defensor-Santiago kung bakit na­payagan ng BOC na makapasok sa bansa ang gatas mula China na may melamine.

Sinasabing sinisisi ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) ang BOC dahil sa pagpasok sa Pilipinas mula China ng Greenfield Yili Fresh Milk at Mengniu Drink na pa­wang hindi nakarehistro sa ahensiya.

Binigyang diin ni Gu­tierez na kanyang pa­rurusahan ang mga tau­han ng Customs Bureau sakaling mapatunayang may nagawang kasa­lanan kaugnay ng me­lamine scare sa mga produktong gatas mula China. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BINIGYANG

BUREAU OF CUSTOMS

CRUZ

CUSTOMS BUREAU

GREENFIELD YILI FRESH MILK

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

OMBUDSMAN MER

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with