^

Bansa

Pardon kay Teehankee pinalagan ng VACC

-

Pinalagan   kahapon ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagpa­palaya ng gobyerno sa convicted killer na si Clau­dio Teehankee Jr.

Sinabi ni Dante Jime­nez, founding chairman ng VACC, hindi umano patas at isang uri ng kawalang hustisya ang nasabing desisyon para sa pamilya ng biktimang si Swedish-Filipino Maureen Hultman at kaibigan nitong si Roland John Chapman noong 1991.

Binigyang diin ni Jime­nez na bagama’t prero­gatibo ng Pangulo ang pagpapalaya sa sinumang bilanggo sa kaso ni Tee­hankee ay lumilitaw na may pagkiling sa panig ng punong ehekutibo.

Si Teehankee ay anak ni dating Supreme Chief Justice Claudio Teehankee na sinasabing ang angkan ay malapit sa Unang Pa­milya.

Iginiit ni Jimenez na da­pat ay inabisuhan muna ang pamilya ng mga bik­tima, isinaalang-alang ang sentimyento ng mga ito gayundin ay alamin muna kung nabayaran na ang P15-M danyos sa mga kinauukulan.

Kinuwestiyon rin ni Jimenez na dapat ay una­hin muna ang ibang mga convicted killers dahil si Teehankee ay may kasong double murder at frustrated murder.

Tinukoy nito ang kaso ng mga sundalong hinatu­lang guilty sa pagpatay noong 1983 kay dating se­nador Benigno “Ninoy” Aqui­ no na bagaman naka­pag­silbi naman ng senten­siya ay hindi pa rin napapa­laya. (Joy Cantos)

vuukle comment

DANTE JIME

JIMENEZ

JOY CANTOS

ROLAND JOHN CHAPMAN

SHY

SI TEEHANKEE

SUPREME CHIEF JUSTICE CLAUDIO TEEHANKEE

SWEDISH-FILIPINO MAUREEN HULTMAN

TEEHANKEE JR.

UNANG PA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with