^

Bansa

2 gatas mula China positibo sa melamine

- Nina Doris Franche At Rose Tamayo-Tesoro -

Dalawa sa 52 ga­tas na unang ni-recall sa merka­do ng Department of  Health (DOH)  ang nagpo­sitibo sa melamine mata­pos na isa­ilalim sa pag­susuri ng Bureau of Food and Drugs (BFAD).

Sa isang press conference, binanggit ni Health Secretary Francisco Du­que III na ang Greenfood Yili Fresh Milk at Mengiu Drink ay nakitaan ng ke­mi­kal na melamine na gina­gamit sa paggawa ng plastic.

Dahil dito, sinabi ni Du­que na bawal ibenta sa mer­kado ang mga nasa­bing gatas bunga na rin ng masamang epekto nito sa mga consumers.

Aniya, kailangan na ang lahat ng mga gatas na Greenfood Yili Fresh Milk at Mengiu Drink ay wala na sa anumang mga super­mar­kets at pami­lihan upang maiwasan ang anumang pagka­lason ng mga iiinom nito.

Umaasa sila  na  ma­ila­labas  ang resulta ng mga produktong sinuri ng BFAD sa Martes dahil tuluy-tuloy naman ang kanilang isina­sagawang  laboratory test para na rin sa kapakanan ng mga mamimili.

Kasabay nito, nilinaw din ni Duque na hindi pa inaalis ng DOH ang ban sa  iba pang Chinese milk matapos na magpositibo ang dalawa.

Nagbabala din si Du­que na kakasuhan nila ang mga kompanyang  mahu­huling nagbebenta ng gatas na galing China na may “absolute ban” mula sa DOH.

Samantala negatibo naman sa pagsusuri ng BFAD ang mga gatas na kinabibilangan ng Anchor Lite Milk, Anlene High calcium low fat milk UHT, Bear Brand instant, Chic Choc milk chocolate, Farmland skim milk, ‘Jinwei Drink, Jolly Cow pure fresh milk, Kiddie Soya Milk Egg Delight, Lactogen 1 DHA infant formula, M&M milk chocolate candies, M&M peanut chocolate candies, Milk Boy, Nestogen 2 DHA follow-up formula, Nestogen 3 DHA follow-up formula, Nido 3+ prebio with DHA, Nido Full Cream milk powder, Nido Jr., No-sugar cho­colate of Iso­malt 2 Oligosaccharide, Nutri Express milk drink, Pura UHT fresh Milk, Snickers fresh roasted in caramel nogut in thick milk chocolate, Vita­soy soya milk drink, Wa­haha Orange, Wahaha Yellow, Want want Milk Drink 26, Windmill Skim Milk Powder, Yinlu Milk Peanut at Yogi Yogurt Flavored Milk Drink.

vuukle comment

ANCHOR LITE MILK

ANLENE HIGH

BEAR BRAND

CHIC CHOC

DRINK

GREENFOOD YILI FRESH MILK

MILK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with