^

Bansa

434 undesirable aliens naharang sa NAIA

-

Umaabot sa kabuuang 434 undesirable foreigners ang pinagbawalang puma­sok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) mula Enero hanggang Agosto.

Ayon kay BI Commissioner Marcelino LIbanan, karamihan sa mga dayu­ han na hindi makapasok ay dahil sa pagtatangka ng mga ito na magprisinta ng mga pekeng travel documents.

Base sa record ng BI umaabot na sa apat na million mga dayuhan ang du­mating sa bansa mula Enero hanggang Agosto kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 3.6 million.

May hinala rin si Liba­nan na biktima ng sindikato ng human trafficking ang mga dayuhan na pinagba­walang pumasok sa NAIA  at ginagamit ang Maynila bilang transit point.

Inilagay na rin sa immigration blacklist ang nasa­bing mga dayuhan at pi­nag­bawalang muling ma­ka­pasok sa Pilipinas  

Giit pa ni Libanan, ma­hihirapan nang makalusot sa Pilipinas ang mga ilegal na dayuhan dahil sa patuloy na training ng mga immigration officers upang madagdagan ang kaala­man ukol sa pekeng travel documents.

Sa record ng BI sa 434 dayuhan, 71 dito ang Chinese, 60 Koreans,43 Nigerians, 37 Taiwanese, 30 Ja­panese, 29 Americans at 28 Indians. (Butch Que­jada/Gemma Amargo-Garcia)

AGOSTO

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUE

COMMISSIONER MARCELINO

ENERO

GEMMA AMARGO-GARCIA

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with