^

Bansa

Pulis-tulog sisibakin!

- Joy Cantos -

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Deputy Director General Jesus Verzosa ang mga pulis na mahuhuling natu­tulog sa mobile units at maging sa mga istasyon ng pulisya sa oras ng trabaho dahil mana­nagot ang mga ito.

“We have standing disciplinary measures and punishments and classifications of offenses,” ani Verzosa na determinadong isa­bu­hay ang epektibong li­derato sa PNP.

Inihayag ni Verzosa na ang mga pulis na lalabag sa nasabing patakaran sa pagpa­pairal ng disiplina sa PNP ay mahaharap sa kaukulang mga kaso.

Nagsagawa ng surprise inspections si Verzosa kasama ang mga matataas na opis­yal ng PNP sa mga is­tasyon ng pulis sa Metro Manila.

Unang binisita ni Verzosa ang Manila Police District (MPD) Station 4 sa Sampaloc, Maynila at isinunod ang Quezon City Police District.

Sa mga susunod na araw ay isusunod ang iba pang himpilan ng pulisya sa National Capital Region kung saan tutungo rin ito sa mga tinaguriang ‘conflict areas’ sa Mindanao Region para personal na alamin ang panganga­ilangan ng kapulisan kaugnay ng hot pursuit operations laban sa tatlong Commanders ng Moro Islamic Liberation Front.

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

MINDANAO REGION

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with