^

Bansa

Caloocan umalerto vs melamine

-

Matapos muling mag­ labas ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) ng lis­tahan ng mga susuriing milk at milk-based products minsan pang inalerto ni Caloocan City Mayor En­rico “Recom” Echiverri ang mga sanitary at market inspectors upang siguruhin na walang magbebenta ng mga naturang produkto sa lungsod.

Ayon kay Echiverri, ba­gama’t nakatakda pa ring suriin ng BFAD ang 52 gatas sa listahan, kusa nang inalis ang mga ito ng mga negosyante at tindero sa mga pamilihan sa lungsod.

Muli namang pinaala­la­ha­nan ni Echiverri ang publiko na mag-ingat pa rin sa lahat ng mga produk­tong gatas na walang pa­nanda o galing sa China at hindi lang ang gawa ng Mengniu (Mengniu Dairy Co) at Yili (Inner Mongolia Yili Industrial Group) na nakumpirmang may sang­kap na kemikal na mela­mine ang mga gatas.

Nauna nang inalerto ni Echiverri ang Caloocan Health Department (CHD) sakaling may kaso ng sang­gol na nagkasakit sa kidney sanhi ng kontamina­dong gatas mula sa China. (Lordeth Bonilla)

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR EN

CALOOCAN HEALTH DEPARTMENT

ECHIVERRI

INNER MONGOLIA YILI INDUSTRIAL GROUP

LORDETH BONILLA

MATAPOS

MENGNIU DAIRY CO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with