'Firing Squad Style' vs suspect bawal na
Bilang pagrespeto sa karapatang pantao, ipatutupad ng bagong upong si PNP Chief Deputy Director General Verzosa ang mahigpit na pagbabawal sa mga naarestong pinaghihi nalaang kriminal sa mediamen.
Sinabi ni Verzosa na magpapalabas siya ng Memorandum sa lahat ng himpilan ng pulisya sa buong bansa na nagbabawal sa aktuwal na pagpriprisinta ng binansagan nitong istilo ng ‘firing squad’ sa mga maarestong suspect.
“We have tested that actually. We will make it defined, the firing squad style of presenting suspect,“ ani Verzosa bilang pagtalima sa panawagan ni Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Leila de Lima.
Nilinaw naman ng bagong PNP Chief na tanging pahihintulutan lamang nila ay ang pagkuha ng video sa normal na operasyon ng pulisya kung saan ang mga larawan na nakunan ng mga kanilang mga operatiba ay maari namang iprodyus ng Public Information Office ng bawat PNP units na hindi na kailangan pang aktuwal na iparada sa mediamen ang mga inarestong pinaghihinalaang kriminal at terorista.
Nangako rin si Verzosa na igagalang ang karapatang pantao ng mga naarestong pinaghihinalaang kriminal dahil naiintindihan naman ng PNP na hindi pa ang mga ito ‘convict‘ sa mga krimen na ipinaparatang laban sa mga ito.
“It’s no good to present the suspect, their destroying the dignity of the person even though there’s no conviction yet,” pahayag ni de Lima na iginiit pang hindi rin magandang eksena ang komprontasyon sa pagitan ng suspect at ng biktima sa mga himpilan ng pulisya kung saan may mga pagkakataong nagkakaroon pa ng sampalan atbp. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending