^

Bansa

GMA sa bagong PNP chief: Ibalik ang kapayapaan sa Mindanao!

-

Agad na inatasan ka­hapon ni Pangulong Arro­yo si bagong Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Jesus Ver­zosa na tumulong sa pag­papanum­balik ng kapa­yapaan sa Mindanao.

Sa ginawang turnover ceremony ng liderato ng PNP sa Camp Crame, nili­naw ng Pangulo na hindi all out war ang nagaganap sa Mindanao kundi isang ‘law enforcement exercise.’

Naniniwala rin ang Pa­ngulo na mahalaga ang karanasan ni Verzosa bi­lang hepe ng PNP lalo pa’t na-assigned na rin ito sa mga hot spots sa Minda­nao.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi lamang ang mga krimen sa lansangan ang dapat tutukan ng PNP dahil mahalaga ring ma­ka­tulong ang kapulisan sa pagpa­ panumbalik ng ka­pa­ya­paan sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Panahon na aniya para wakasan ang 40 taong ka­guluhan sa Min­danao kung saan mahigit na sa 120,000 katao ang nama­matay.

Kabilang ngayon sa tinutugis ng gobyerno ang tatlong kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nanguna sa pag-atake sa ilang probin­siya sa Mindanao mata­pos hindi malagdaan ang me­morandum of agreement on ancestral domain.

Samantala, pinuri rin ng Pangulo si outgoing PNP chief Dir. Gen. Ave­lino Razon Jr. sa mga repor­mang ginawa nito at pag­papanumbalik ng ti­wala ng taumbayan sa kapulisan. (Malou Escudero)

ARRO

CAMP CRAME

JESUS VER

MALOU ESCUDERO

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAZON JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with