Kinukuwestiyong proyekto ng DA, DPWH pinatigil ni GMA

Iniutos ni Pangulong Arroyo ang suspension sa mga pagpapatupad ng mga proyektong kinuku­westyon ng Commission on Audit (COA).

Sinabi ni Presidential Management Staff chief Cerge Remonde, nagpa­hayag ng pagkabahala si Pangulong Arroyo hinggil sa lumabas na alegasyong iregularidad sa mga na­sabing proyekto sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kabilang sa pinasu­suspinde ni Mrs. Arroyo ay ang pamamahagi sa mga non-governmental organizations gayundin ang Gi­nin­tuang Masaganang Ani (GMA).

Kinumpirma din ni Sec. Remonde na noong isang linggo pa iniutos ng Pa­ngulo kay Agriculture Secretary Arthur Yap at PMS na isa­ilalim sa evaluation ang mga nasabing proyekto.

Ipinag-utos na rin ang pagsasagawa ng internal investigation kaugnay sa mga alegasyong katiwa­lian.

Magugunita na nagpa­la­­bas ng findings ang COA na iniharap sa isinasaga­wang budget deliberations sa Kamara kaugnay sa natuk­lasan umano nilang mga anomalya sa DA at DPWH. (Rudy Andal)

Show comments