^

Bansa

Senado hihirit ng sariling bldg.

-

Isinusulong ngayon ni Senator Miriam Defensor Santiago ang isang reso­ lus­yon na nag-aatas sa De­partment of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng feasibility study upang pag-aralan ang maga­gastos para sa pagpapa­tayo ng bagong building ng Senado upang hindi na umupa ng P8.3 mily­on buwan-buwan sa Government Service Insurance Service (GSIS).

Sa Resolution 640 na inihain ni Santiago, sinabi nito na panahon na upang magkaroon ng sariling gusali ang Senado dahil napakalaki rin ang kani­lang ginagastos sa buwa­nang upa kung saan pati parking lots ay binaba­yaran.

Kabuuang P7,787,774.78 ang upa kada buwan ng Senado para sa office building ng GSIS, bukod pa sa P499,125 upa naman sa parking lot.

Ang kabuuang monthly rentals na ibinaba­ yad ng Senado ay P8,286,899.78 o P99.44 milyon sa isang taon.

Dahil limitado lamang ang laki ng opisina ng bawat isang senador, umu­ upa pa rin sila ng satellite offices at nagba­bayad ng karagdagang P474,285.29 buwan-buwan. 

Mula 1926-1945, ang Philippine Legislature na binubuo ng House of Representatives at Senate of the Philippines ay mag­kasama ang tanggapan sa Old Congress Building na nasa P. Burgos St. Manila, kung saan ang Senado ang nasa upper floors at ang House ang nasa lower portion.

Pero dahil sa giyera, nasira ang nasabing legislative building at na-reconstruct noong 1950 kung saan ang fourth floor ang ginamit ng Senado sa kanilang plenary sessions.

Mayo 1997 nang lu­mi­pat ang Senado sa GSIS Complex sa Pasay City. (Malou Escudero)

vuukle comment

BURGOS ST. MANILA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SERVICE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MALOU ESCUDERO

OLD CONGRESS BUILDING

PASAY CITY

PHILIPPINE LEGISLATURE

PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with