250 pares na mag-live-in sa Caloocan ikinasal
Bumida kahapon ang pag-ibig sa Caloocan City nang magpakasal ang may 250 pares sa kasalang bayan na pinagtibay ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa Camarin North Elementary School.
Ayon kay Echiverri, nakatulong ang okasyon upang lalong pagtibayin ng mga magkasintahan ang kanilang pagsasamahan, bagama’t ang iba sa mga ito ay matagal nang nagsasama.
Base sa mga pag-aaral ng Civil Registry Department (CRD), lumilitaw na pangunahing dahilan ng hindi pagpapakasal ng mga matagal nang nagsasamang residente ang kawalan ng pera at patuloy na pagtaas ng mga gastusin.
Nauna nang iniutos ng alkalde ang pagdaraos ng mahigit sa dalawang libreng kasalang bayan kada taon upang mabigyang pagkakataon ang mga residente na gawing legal ang kanilang pagsasama. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending