^

Bansa

Nationwide rally kasado bukas

- Nina Angie dela Cruz at Rose Tesoro -

Nagbanta ang militan­teng transport group na Pagkakaisa ng mga Sa­mahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng isang pamban­ sang kilos protesta bukas, Setyembre 22.

Ayon kay Piston Secretary General George San Mateo, kasama ng transport group ang mga manggagawa sa nabang­git na araw para kalam­pagin ang pamahalaan at ang tatlong dambuhalang kumpanya ng langis para igiit ang pagbababa ng hanggang P37 halaga ng krudo bawat litro at agad na pagtatanggal sa 12 percent VAT sa langis.

Sa patuloy na pag­baba ng halaga ng krudo sa world market, umaabot pa rin anila sa P49 ang halaga nito kada litro sa kabila ng pakonti-konting oil price rollback ng mga oil companies.

Sinabi ni San Mateo na sama-samang magpo­protesta at magmamartsa ang mga tsuper, mang­ga­gawa at mamamayan pa­puntang Mendiola upang igiit sa Malakanyang ang kanilang  kahilingan.

Ang 12 percent EVAT anya ang ugat ng mga pagtaas sa halaga ng krudo at gasoline sa ka­salukuyan.

Sa pagkilos na ito, nilinaw ni San Mateo na walang gagawing tigil pasada sa nabanggit na araw.

“Walang tigil-pasada sa Lunes.  Ang aming ga­gawain dito sa Metro Manila ay mapayapang pag­mamartsa ng humigit-kumulang mula 500 hang­gang 1,000 libong tsuper na sasamahan ng mga manggagawa at iba pang sector at kami ay tutungo sa Mendiola upang doon magsagawa ng programa,” paglilinaw pa ni San Mateo.

AYON

MALAKANYANG

MENDIOLA

METRO MANILA

NAGBANTA

OPERATOR NATIONWIDE

PISTON SECRETARY GENERAL GEORGE SAN MATEO

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with