'Nina' nasa bansa na

Pumasok na sa Philippine territory kahapon ang bagyong “Nina” at ayon sa PAGASA, ganap na alas-11 ng umaga nang mamataan ito sa layong 1,080 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang pinakamalakas na hanging 55 kilometro malapit sa gitna.

Si “Nina” ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Ngayong Sabado, si Nina ay inaasahang nasa layong 850 km ng silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes

Bukas, araw ng Linggo, ito ay nasa layong 620 km silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes o nasa layong 450 km ng hilagang silangan ng Virac, Catanduanes sa Lunes. (Angie dela Cruz)

Show comments