Dimzon bagong OWWA chief

Itinalaga kahapon ng Malacañang bilang bagong Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) si Carmelita Dimzon, na matagal nang nagsilbing deputy administrator of Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Inihayag din ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang pagkakahirang kay Manuel Andal bilang acting general manager ng Philippine National Railways (PNR).

Si Dimzon, 59, tubong Guagua, Pampanga ay nanumpa kahapon kay Labor Secretary Marianito Roque.

Inaasahan ni Dimzon ang pagharap sa iba’t ibang isyu kabilang na ang pagpapatupad ng omnibus policies, ang maanomalyang paggamit ng repatriation funds ng mga overseas Filipino workers at ang kuwes­tionableng $25 OWWA membership fee. (Doris Franche/Rudy Andal)

Show comments