Peace sa Mindanao tiniyak ni PGMA
Tiniyak kahapon ni Pangulong Arroyo sa mga taga-Mindanao ang commitment ng gobyerno para sa kapayapaan ng rehiyon.
Sinabi ni Pangulong Arroyo sa kanyang mensahe sa ginanap na Local Peace and Security Assembly sa Dapitan City, binibigyang prayoridad ng kanyang administrasyon na matigil na ang 40 taong kaguluhan sa Mindanao.
Ipinabatid din ng Pangulo sa mga Muslim ang pagbabago ng estratehiyang gagamitin ng gob yerno sa pagsusulong ng peace process kasabay ang pagpapaliwanag din sa dahilan kung bakit hindi na lalagdaan ng pamahalaan ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) kahit madesisyon pa ang Korte Suprema hinggil dito.
Ayon kay Mrs. Arroyo, hindi na makikipag-usap ang gobyerno sa mga rebeldeng hangga’t hindi nila ibinababa ang kanilang mga armas bilang bahagi na rin ng Disarmament, Demobilization at Reintegration (DDR) scheme.
Ipinangako din ni PGMA sa mga taga-Mindanao na muling mabubuhay ang pagiging food o bread basket ng bansa.
Bilang patunay, namahagi si Pangulong Arroyo sa mga opisyal ng mga pondo para sa developmental projects para sa Mindanao.
Samantala, naglaan ng P5 bilyon ang pamahalaan sa ilalim ng proposed 2009 national budget para sa Pantawid ng Pamilyong Pinoy program bukod sa mga popondohan ding mga micro-finance project upang matulungan ang mahihirap nating kababayan.
Gayunman, umaasa si Executive Secretary Eduardo Ermita na hindi din maaapektuhan ng nangyayaring bangayan sa Senado ang pagtalakay sa proposed 2009 national budget.
Umaasa ang Palasyo na mabilis na maayos ng mga mambabatas sa Senado ang kanilang hindi pagkakasundo.
- Latest
- Trending