Makakalaban ni Villar sa 2010, magdeklara na rin - Cayetano

Sa gitna nang sunud-sunod na isyu na ibinabato kay Senate President Ma­nuel Villar mula nang mag­deklara itong tatakbo sa 2010 presidential elections, hinamon kahapon ni Sen. Alan Peter Cayetano ang mga nag-aambisyong maging presidente ng bansa na magdeklara na rin upang maging parehas ang laban.

Ayon kay Cayetano, nagpakatotoo lamang si Villar nang ideklara niya ang hangaring tumakbo sa pagka-pangulo sa 2010.

Sinabi pa ni Villar na dapat magdeklara na rin ang mga nais kumalaban kay sa Senate President na nahaharap ngayon sa isyu ng P200 milyong budget insertion sa proyekto ng C-5.

Naniniwala si Cayeta­no na ang biglang pagbu­bunyag ng P200 milyong budget insertion ay may kinalaman sa pulitika at eleksiyon sa 2010.

Hindi naman umano ka­salanan ni Villar na marami itong lupa sa Las Piñas na mapapa­boran sa extension ng C-5 hanggang Cavite.

“Itong Daang Hari pa­nahon pa ni Ramos (Fidel) itinutulak na ni Congressman Villar noon pa dahil ma­ki­kinabang ang Las Pinas dahil may lupa siya doon, pero alam ko lahat ng major developer may lupa doon at hindi nga majority ‘yong kay Villar,” ani Cayetano.

Nagiging ‘unfair’ uma­no ngayon ang sitwasyon sa Senate president dahil madali na itong nababato ng mga posibleng maka­laban niya sa 2010.

“Dapat siguro magdek­lara na rin yong mga kala­ban niya kasi parang kung sinong mga santo kung mag-accuse pero kung balak ding tumakbo, sabihi na nila,” ani Cayetano. (Malou Escudero)

Show comments