Satisfaction rating ni Nograles tumaas
Patuloy na umaani ng positibo at mataas na rating sa ibat-ibang ‘local at foreign survey’ si House Speaker Prospero Nograles.
Base sa pinakahuling survey na ipinalabas ng Hong Kong Public Opinion and Research Center, sinasabing tumaas ng apat na porsiyento ang performance at satisfaction rating ni Nograles nitong nakalipas na buwan ng Agosto na nakakuha ng 57 percent kumpara noong Hulyo na 53 percent.
Ang Hong Kong-Based Research Center ay regular na nagsasagawa ng survey sa pamamagitan ng Public Opinion Research Center para mabatid ang ‘political pulse climate’ hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang Asian countries.
Napag-alaman, na maging ang resulta ng isinagawang survey ng Pulse Asia ay tumaas din ng dalawang porsiyento ang trust rating ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Mula sa +29 noong July ay naging +31 nitong nakalipas na Agosto.
Ayon kay Speaker Nograles ang pag-ani ng po sitibong resulta ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng lahat ng miyembro ng House of Representative na gampanan ang kanilang ‘primary mission’ na gumawa at ipasa ang mga mahahalagang batas na kapaki-pakinabang sa bawat mamamayan. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending