^

Bansa

Satisfaction rating ni Nograles tumaas

-

Patuloy na umaani ng positibo at mataas na rating sa ibat-ibang ‘local at foreign survey’ si House Speaker Prospero Nogra­les.

Base sa pinakahuling survey na ipinalabas ng Hong Kong Public Opinion and Research Center, sinasabing tumaas ng apat na porsiyento ang performance at satisfaction rating ni Nograles nitong nakalipas na buwan ng Agosto na nakakuha ng 57 percent kumpara noong Hulyo na 53 percent.

Ang Hong Kong-Based Research Center ay regular na nagsasagawa ng survey sa pamamagitan ng Public Opinion Research Center para mabatid ang ‘political pulse climate’ hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang Asian countries.

Napag-alaman, na ma­ging ang resulta ng isina­gawang survey ng Pulse Asia ay tumaas din ng dalawang porsiyento ang trust rating ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Mula sa +29 noong July ay naging +31 nitong nakali­pas na Agosto.

Ayon kay Speaker No­grales ang pag-ani ng po­ sitibong resulta ay bunga ng sama-samang pagsi­sikap ng lahat ng miyem­bro ng House of Representative na gampanan ang ka­nilang ‘primary mission’ na gu­ma­wa at ipasa ang mga maha­halagang batas na kapaki-pakinabang sa ba­wat ma­mamayan. (Butch Quejada)

AGOSTO

ANG HONG KONG-BASED RESEARCH CENTER

BUTCH QUEJADA

HONG KONG PUBLIC OPINION AND RESEARCH CENTER

HOUSE OF REPRESENTATIVE

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRA

MABABANG KAPULUNGAN

PUBLIC OPINION RESEARCH CENTER

PULSE ASIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with