^

Bansa

Justice Sabio ipinatawag na ng DOJ

-

Ipapatawag na sa da­rating na Martes si Court of Appeals (CA) Associate Justice Jose Sabio bilang pagsisimula ng imbesti­gasyon ng Department of Justice (DOJ) sa umano’y tangkang panunuhol sa Mahistrado ng Appellate court kaugnay pa rin sa kaso ng Meralco at Government Service Insurance System (GSIS).

Ayon kay Justice Un­dersecretary Ernesto Pi­neda, head ng investigating panel na ipinatawag na nila si Justice Sabio sa Martes Setyembre 16, 2008 dakong alas-10 ng umaga.

Nilinaw ni Pineda na ia-affirm lamang ni Sabio ang kanyang naunang affidavit sa Korte Suprema at dito sesentro ang imbestigas­yon ng panel sa kanyang naunang nilagdaang sa­laysay.

Matapos umanong lu­magda ni Sabio sa kan­yang affidavit ay susunod na ipapatawag ang ne­gosyanteng si Francis de Borja upang makapag­sumite ng kanyang counter affidavit sa loob ng 10 araw.

Kung kinakailangan din umano ay ipapatawag din si Evelny Clavano na si­nasabing kaibigan ni Sabio at de Borja na siyang nakakaalam sa umano’y naganap na suhulan.

Iginiit din ni Pineda na sa ngayon ay hindi na kailangan pang pumasok ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil si Sabio naman ang complainant dito at natapos na ang kaso mula sa Korte Suprema at limitado la­mang ito sa kasong attempted bribery.

Subalit kung madisku­bre umano ng panel na mayroong tumanggap ng pera sa nasabing kaso ay maaring pumasok ang NBI at mag-imbestiga upang makapagsampa ng iba pang kaso na may kina­laman dito.

Inaasahan namang ma­tatapos ng panel ang imbestigasyon sa loob ng 30-araw kung saan mag­pa­palabas na resolusyon para sa nasabing kaso. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE JOSE SABIO

BORJA

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERNESTO PI

EVELNY CLAVANO

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SUPREMA

SABIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with