^

Bansa

2 Customs officials sinibak, 3 pa sinuspinde

-

Sinibak ng tanggapan ng Ombudsman ang dalawang opisyales ng Bureau of Customs at sinuspinde ng anim na buwan ang tatlo pa dahil sa pagkakaroon umano ng mga nakaw na yaman sa kabila ng maliit na sahod ng mga ito sa BOC.

Dinismis sa serbisyo sina Dolores Domingo, Customs operating officer 4; Chito Orbeta, messenger samantala sinuspinde ng anim na buwan sina Pier Angelie Senangote Sealtiel, Customs operations 4 at Victor Ray­mundo Asuncion, intelligence officer 1 pawang nakatalaga sa Port Area, Maynila makaraang ang mga ito ay bumagsak sa lifestyle check na isina­gawa ng Ombudsman

Sinuspinde rin ng 3 buwan si Edward Balta­zar, district collector ng BOC Port of San Juan City, La Union dahil sa kasong extortion.

Sa 18-pahinang de­sis­yon, sinibak si Do­mingo mula sa serbisyo makaraang ito ay ma­patunayang guilty sa kasong grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Taglay ni Domingo ang house and lot na may halagang P1.25 milyon at 7 mamahaling sasakyan.

Si Orbeta naman ay may P1.6 Milyon na hindi ma­ipaliwanag na yaman at dalawang magagarang sasakyan, si Sealtel na­man ay may P3 milyon halaga ng property sa Tambo, Parañaque at 5 magagarang sasakyan samantalang si Asunsion naman ay may property sa Pateros at mga sa­sakyan. (Angie dela Cruz/Butch Quejada)

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CHITO ORBETA

DOLORES DOMINGO

EDWARD BALTA

LA UNION

PIER ANGELIE SENANGOTE SEALTIEL

PORT AREA

PORT OF SAN JUAN CITY

SHY

SI ORBETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with