^

Bansa

Sabio at de Borja magtutuos sa DOJ

-

Nagtalaga na ng panel ang Department of Justice (DOJ) na mag-iimbestiga sa umano’y panunuhol ng negosyanteng si Francis de Borja kay Court of Appeals (CA) Associate Justice Jose Sabio upang paboran ang kaso ng Meralco.

Ang panel ay bubuuin nina Justice Undersec­retary Ernesto Pineda, Undersecretary Fidel Exconde at Chief State Prosecutor Jovencito Zuno habang magsisilbing consultant ang National Bureau of Investigation (NBI).

Unang isasalang sa pagdinig sina Sabio at de Borja kung saan hahanap din ng testigo ang DOJ upang patunayan ang sinasabing panunuhol ng huli na naganap umano sa compound ng Ateneo University.

Ayon naman kay Supreme Court (SC) Spokesman Atty. Midas Marquez, nagpa­dala rin sila ng kum­pletong records ng pag­dinig sa tanggapan ng Bar Confidant upang magamit namang basehan sa ga­gawing imbestigas­yon nito sa kaso ni PCGG Chairman Camilo Sabio. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE JOSE SABIO

ATENEO UNIVERSITY

BAR CONFIDANT

BORJA

CHAIRMAN CAMILO SABIO

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZUNO

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERNESTO PINEDA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE UNDERSEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with