30-anyos age limit sa mga kasambahay isusulong
Malaki ang posibilidad na itaas sa 30 ang edad ng mga papasok na katulong bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng mga nagsu-suicide na OFWs na nagtatrabaho bilang domestic helper sa ibang bansa.
Ayon kay Labor Undersecretary Rosalinda Baldoz, hiniling na rin ito sa kanila ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil na rin sa pagdami ng mga katulong o kasambahay na tumatakas sa kanilang mga amo. Kabilang na dito ang bansang Jordan at Kuwait.
Sinabi ni Baldoz na sa kasalukuyan ay 23 ang age limit na ipinatutupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga nagnanais na mangibang bansa na domestic helper.
Matatandaang iniulat ng Migrante International na nakapagtala sila ng 18 kaso ng suicide sa mga Pinay DH sa Lebanon, ngayong taon pa lamang. (Doris Franche)
- Latest
- Trending