Villar, Escudero most trusted gov't officials

Lumitaw sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na sina Senate President Manny Villar at Sen Francis Escudero ang nangungunang mga opisyal sa bansa na pinagkakatiwalaan sa Pilipinas.

Sa survey na ginawa noong July 1-14 na may 1,200 respondents, lumitaw na sa limang pangunahing lider sa bansa, pinaka-pinagkakatiwalaan si Villar na may 65 percent; sumunod sa kanya si Vice Pre. Noli de Castro (53%), Speaker Prospero Nograles (22%) at Pangulong Gloria Arroyo (19%).

Sa listahan ng mga senador, nanguna naman si Sen. Francis Escudero na may 75 percent, sumunod si Loren Legarda (71% ) at Mar Roxas (69%).Ngunit ang rating na nakuha ng tatlo ay mas mababa sa rating na nakuha nila sa Pulse Asia noong Marso 2008 kung saan si Es­ cu­dero ay may dating rating na 77%; si Legarda na dating nangunguna ay may 79% at si Roxas dating may 72%.

Ginawa ang naturang survey habang mainit ang usapin tungkol sa murang bigas ng National Food Authority, Katas ng VAT program, Cheaper Medicines and Tax Exemption Bills, at direktiba ni Gng. Arroyo na ibaba ang singil sa kuryente.

Sina Villar, Escudero, Legarda at Roxas ay itinuturing na presidentiables sa hanay ng oposisyon habang si de Castro ay itinuturing na pambato ng administrasyon sa 2010 elections. (May ulat ni Malou Escudero)

Show comments